-- Advertisements --

Ipinagbawal na ng China ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga seafoods o anumang lamang dagat na galing sa Japan.

Ang nasabing hakbang ay bilang ganti sa Japan matapos na pakawalan ang mga treated waste water ng Fukushima nuclear power plant patungo sa Pacific Ocean.

Kahit na iginiit ng Japan na ligtas ang tubig na sinang-ayunan ng maraming mga scientist at magng ang nuclear watchdo ng United Nation ay hindi pa rin naniniwala ang China.

Mula pa noong dalawang taon na ang nakakalipas ay kinokontra na ito ng China kung saan sinabi nito na ang desisyon ng Japan ay isang makasariling pamamaraan.

Magugunitang nagkaroon na ng lamat ang relasyon ng Japan at China dahil sa pagsuporta ng Japan sa US at Taiwan.