-- Advertisements --

Kakailanganin na ng mga Filipino seafarers na papasok ng China na sumailalim sa COVID-19 IgM anti-body test sa loob ng 48-oras bago ang kanilang boarding.

Ang bagong requirement na ito ay inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Iba pa ang nasabing test na sa nucleic acid test na kailangan ding kunin ng mga Pinoy na manlalayag.

Saad ng POEA, dapat isagawa ang naturang test sa ibibigay na testing facilities sa loob ng tatlong araw bago sila umalis.

Maaari namang i-download sa official website ng embahada ng China sa Pilipinas ang listahan ng embassy-deisgnated facilities.

Siniguro naman ng POEA na ang manning agencies at principals ang magbabayad ng test bago sila payagang umalis.

Sa oras na matapos na ang test, bawat isa ay kakailanganin ding sumailalim sa mahigpit na quarantine measures.

Batay sa pinakabagong international survey, ang mga Pinoy seafarers ang isa sa pinakamasayang manggagawa sa naturang industriya. Karamihan daw kasi sa mga ito ang nais na magtrabaho bilang cargo ship operators na nakabase sa Japan at Greece.