-- Advertisements --

Mas hinigpitan pa ng Shanghai, China ang COVID-19 restrictions matapos ang patuloy na paglobo ng mga nadaapuan.

Nagpatupad na rin sila ng lockdown para magpatupad ng testing sa mga residente.

Aabot sa mahigit 26 milyon katao ang apektado dahil sa ipinatupad na lockdown kung saan pinagbawalan ang mga ito na lumabas.

Mayroong 4,381 kasi na asymptomatic cases ang naitala at 96 symptomatic mula pa noong Marso 28.

Mayroong 17,000 testing personnel mula sa Shanghai at katabing rehiyon kung saan naglagay ang mga ito ng 6,300 station na magsasagawa ng 8.26 milyon test.