Tila hindi nagustuhan ng China ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa mg aktibidad ng nasabing bansa sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.
Una kasing nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Marcos Jr. laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Bilang tugon dito ay nagpahayag din si Chinese foreign affairs ministry spokesperson Mao Ning ng “grave concern” laban sa mga aktibidad umano ng Pilipinas sa naturang lugar na malinaw na paglabag aniya sa soberanya ng kanilang bansa.
Kasabay nito ay binigyang-diin ng Chinese official na magpapatuloy ang kanilang bansa sa pag-aksyon at pagsasagawa ng mga necessary measures sa pinag-aagawang teritoryo upang protektahan umano ang kanilang “territorial sovereignty at maritime rights and interests sa lugar.
Kung maaalala, ang pagpapahayag ni PBBM ng pagkabahala sa kasalukuyang sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea ay kasunod ng ulat ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy na nakakaranas ng communication interference ang mga barko ng Pilipinas sa tuwing nagsasagawa ang mga ito ng misyon WPS.