-- Advertisements --

Nagpadala ang China ng 18 warplanes kabilang ang fighters at bombers sa air defense zone ng Taiwan.

Ayon sa Taipei’s defense ministry, nasa 18 Chinese aircraft kabilang ang 12 J-11 at J-16 fighter jets at two H-6 bombers ang pumasok sa air defense identification zone (ADIZ).

Ito na ang itinuturing na second-largest incursion sa loob ng isang araw ngayong taon ng China.

Ang Taiwan ay nakakaranas ng constant threat sa posibleng pag-atake ng Beijing na inaangkin ang self-ruled democratic island bilang bahagi ng teritoryo nito na planong mabawi balang araw.

Sa huling quarter ng taong 2021 nakitaan ng mataas na insidente ng incursion ng China sa Taiwan air defense identification zone (ADIZ) kung saan nangyari ang biggest single day incursion noong October 4 matapos na pasukin ng China warplanes ang air defense zone ng Taiwan.

Nabatid na pinaigting pa ng China ang pangigipit sa Taiwan simulan ng mahalal na pangulo ng Tiwan si Tsai Ing-wen noong 2016 na itinuturing ang isla bilang isang sovereign nation at hindi parte ng chinese territory.