-- Advertisements --
China PLA military

Pinaigting ng Chinese navy ang kanilang anti-submarine training sa pamamagitan ng high-intensity drills habang ang US, Australia at Japan ay naghahangad na bumuo ng underwater forces sa rehiyon.

Sinabi ng People’s Liberation Army (PLA) Eastern Theater Command nitong Martes na ang mga naval air wings nito ay nagsagawa ng 48-oras na high-intensity anti-submarine warfare exercise noong nakaraang linggo.

Ang command, na nangangasiwa sa mga operasyon sa paligid ng Taiwan at East China Sea, ay nagsabi na ang hukbong pandagat nito ay “palaging handa para sa labanan”

Dagdag pa rito ang command na itinampok ng mga drills ang paggamit ng mga totoong senaryo ng digmaan sa pagsasanay at pinabilis ang pag-unlad ng kakayahan ng mga tropa na magtiyaga at lumaban sa mga kumplikadong kapaligiran.

Ang susunod na hakbang ng pagsasanay ay tututuon sa pagpapalakas at pagsasanay ng kanilang crew.