-- Advertisements --

Tinanggap ng mga kinatawan ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas ang ipinadalang tulong ng China para sa mga nasalanta ng typhoon Odette.

Ayon kay Chinese Ambassador to the PH Huang Xilian, nai-turn over na nila ang last batch ng 10,000 metric tons ng bigas.

Karagdagan ito mula sa 4.7 million kilograms na inisyal na donasyon.

Ang 1.5 million kg. ay para sa Cebu at ang 3.2 million kg. ay nasa Metro Manila pa para i-deploy sa ilan pang mga apektadong lugar.

Maliban dito, mayroon pang $1 million o katumbas ng halos P50 million emergency cash assistance para sa typhoon-hit areas, bilang suporta sa relief at recovery efforts.