-- Advertisements --
Nangunguna ang China sa mga bansa na mayroong pinakamaraming nasungkit na medalya sa unang araw ng kompetisyon sa Tokyo 2020 Olympics.
Ang China ay mayroon nang hawak na apat na medalya sa kasalukuyan, kung saan tatlo rito ang gold at isa naman ang bronze.
Pumapangalawa ang Italy at Japan, na kapwa mayroong tig-dalawang medalya.
Ang Italy at Japan ay pareho na mayroong tig-isang gold at silver medals.