-- Advertisements --

Sa gitna ng banta ng Amerika na tumiwalag, mas pursigido ngayon ang China na mapanatili o maipagpatuloy ang mga gains nito mula sa nagdaang Duterte administration.

Ayon kay Herman Kraft, political-science professor sa University of the Philippines Diliman, ang hakbang na ito ng China para sa trade at innovation sa Pilipinas ay bahagi ng effort na pataasin pa ang supply chains sa gitna ng banta ng Amerika na decoupling o tumiwalag at hangarin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapanumbalik ang ugnayan ng Pilipinas sa US.

Ayon kay Chinese ambassador to the Philippines Huang Xilian, nais ng Beijing na magkaroon ng “demonstration parks” sa China at Pilipinas na inaasahang magbibigay ng tax breaks at iba pang insentibo para pasiglahin ang mga negosyo.

Ang naging pahayag ng Chinese envoy ay kasunod ng pahayag ng Pangulo na ang kinabukasan ng Pilipinas ay nakatali sa Amerika na tinawag ng Pangulo bilang “partner” alinsunod sa yapak ng dating Pangulong rodrigo Duterte na pro-China orientation.

Ang China ang pumapangalawa sa US na largest trading partner ng Pilipinas.