-- Advertisements --
Nagpapamigay ang gobyerno ng COVID-19 drug na Paxlovid sa mga community health centers sa Beijing, China.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Beijing.
Tanging ang mga community doctors at ang magbibigay ng nasabing gamot sa mga pasyente ng COVID-19 para turuan ang mga ito sa paggamit ng gamot.
Ang Paxlovid na gawa ng Pfizer ay tanging foreign medicines na aprubado ng China para gamitin ito sa kanilang bansa.
Nauna ng ipinag-utos ni Chinese President Xi Jinping na dapat magkaroon ng mas mahigpit na pagbabantay ang mga health officials para matigil na ang pagkalat ng virus.