-- Advertisements --

Magsasagawa ng panibagong military drill ang China sa Yellow at Bohai seas.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagpapakita ng protesta sa Taiwan dahil sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Natapos na kasi nitong linggo ang unang military drill na isinagawa ng China malapit Taiwan at ngayon ay isinunod nila ang drill sa mga karagatang nakapalibot sa Taiwan.

Sinabi ng isang opisyal ng Chinese military na sila ay magsasagawa na ng regular na military drill malapit sa isla ng Taiwan.

Matatagpuan ang Yellow sa pagitan ng China at Korean peninsula.