Nagbabala si US Army Gen. Mark Milley kay U.S President Donald Trump na magsisilbing pinaka malaking pagsubok sa US defense strategy ang bansang China
Natuto umano ang China na lumaban matapos araling ng naturang bansa ang pamamaraan sa pakikipaglaban ng Estados Unidos sa Middle East.
Ayon pa kay Milley, ginagamit din umano ng CHina ang kanilang natututunan upang bumuo ng kanilang sariling tropa militar.
Mabilis din umanong napa-ganda ng China ang kanilang tropa militar sa himpapawid, maritime pati na rin land domains.
Naniniwala rin ito na mas malaki ang ginagastos ng Chinese government upang masigurado na maganda ang kalalabasan ng bawat research development at procurement ng naturang bansa.
Sinigurado naman ni Millery na shindi hahayan ng United States na maungusan sila ng iba pang bansa lalong lalo na ang China.
Ngunit sa kabila ng mga pahayag na ito, naging maingat naman si Milley na sabihing kaaway ng US ang China.
Kung maaalala na nitong buwan lamang nang umalma ang US sa umano’y ginawang anti-ship missile test ng China sa pinag-aagawang South China Sea.
Nalagay din sa bingit ng pagtatapos ang samahan ng dalawang bansa matapos taasan ni Pres. Trump ang buwis sa mga produkto ng China.
Samantala, posibleng kumaharap sa matinding sanctions mula sa US ang Turkey matapos nitong matanggap ang kanilang kauna-unahang shipment ng Russian s-400 air defense misile.
Ang pagbiling ito ng Turkey sa Russian system ay nagpapatunay lamang umano ng mas gumagandang samahan sa pagitan nina Russian President Vladimir Putin at Turkey’s President Recep Erdogan.