-- Advertisements --

Itinanggi ng China ang akusasyon na galing sa Chinese maritime militia ang lumapit sa bahagi ng West Philippine Sea kung saan nagsasagawa naval drills ang navies ng India at ilang ASEAN countries.

Ayon sa Chinese foreign ministry na alam nila mula pa noon an nagsasagawa lamang sila ng pangingisda at scientific research vessels kung saan isang normal na kanilang ginagawa sa lugar.

Binalaan pa nito ang ibang mga bansa na huwag basta gumawa ng anumang akusasyon laban sa China.

Magugunitang nagsimula noong Linggo ang dalawang araw na ASEAN-India Maritime Exercise (AIME 2023) kung saan kasama ang mga naval ships at eroplanong pandigma ng India, Vietnam, Thailand, Pilipinas, Indonesia at Brunei.