-- Advertisements --
Itinanggi ng China na inaatasan nila na sumailalim sa anal swab test para sa coronavirus ang mga US diplomats.
Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Zhao lijan na walang katotohanan ang nasabing usapin.
Nagbunsod ang usapin ng ilang diplomats na required silang sumailalim sa nasabing proseso.
Iginiit ng State Department na hindi sila sang-ayon sa ganitong uri ng testing at kanilang itong inireklamo na sa Ministry of Foreing Affairs.
Magugunitang ipinakilala ng China noong Enero ang anal swab.