-- Advertisements --

Inilunsad ng China ang health certificate programme para sa mga mamamayan nilang nagtutungo sa iba’t-ibang bansa.

Ang digital certificate na nagpapakita ng vaccination status ng indibidwal at virus test result ay makikita sa Chinese social media platform na WeChat.

Sinabi ng Chiese foreign ministry spokesman na ang certificate ay tutulong para maibalik ang sigla ng ekonomiya.

Sa ngayon ay hindi ito mandatory at ito ay eksklusibong magagamit ng mga Chinese.