Ikinokonsidera ng China ang Ilocos Norte bilang isang investment destination.
Sa isinagawang Conference ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) at Ilocos Norte Investment, sinabi ni chinese Ambassador Huang Xilian na kaniyang binisita noon ang probinsiya at nakita nito ang malaking potensiyal ng nasabing lalawigan. Humanga ito sa magagandang tanawin, taos-puso at tapat na mga tao at unique resources ng probinsiya.
Inihayag din ni Huang na bukas ang beijing na makipag-trabaho sa Pilipinas para mapalakas ang ugnayan, mapalalim pa ang kooperasyon sa mga lokal na pamahalaan at ma-explore pa ang mga oportunidad sa pamumuhunan.
Ang naturang conference ay dinaluhan nila Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, Department of Trade and Industry Undersecretary Blesila Lantayona, at Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.
Naniniwala din si Huang na ang bagong development ay magpapalawig pa ng oportunidad para sa international communities kabilang ang Pilipinas.
Ito ay alinsunod na rin sa layunin ng Marcos administration na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mas mataas na halaga ng pamumuhuna na nakapokus sa broad-based job creation at expansion ng digital infrastructure, research, and development.