-- Advertisements --

Ikinagalit ng China ang ginawang pagbisita sa Taiwan ng mambabatas ng United Kingdom.

Nakipagpulong kasi kay Taiwanese foreign minister Joseph Wu si British members of Parliament Alicia Kearns.

Si Kearns ay isa ring miyembro ng Foreign Affairs Committee ng UK.

Inakusahan ng China ang UK na nakikialam sa internal affairs nila ng Taiwan.

Itinuturig pa kasi ng China na bahagi nila bilang probinsiya ang Taiwan.

Magugunitang noong Agosto ay ikinagalit rin ng China ang ginawa ring pagbisita ni US Speaker of the House Nancy Pelosi at ilang mambabatas.