-- Advertisements --

Hindi pa kinukumpirma ng China ang naging deklarasyon ng Pangulong Duterte na nakatakda siyang makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa Abril 8.

Inamin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na wala pa siyang natatanggap na impormasyon kung meron mang naganap na high level interactions sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China ukol sa scheduled meeting ng dalawang lider.

Una nang nanggaling mismo kay Pangulong Duterte ang impormasyon at mangyayari ito sa pamamagitan ng virtual meeting.

Ang pulong ng dalawa ay ilang araw matapos na maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas dahil sa close distance maneuvering ng Chinese vessel sa barko ng Phil Coast Guard na nangyari sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.