-- Advertisements --
image 299

Isiniwalat ng PCG na inilipat ng China Coast Guard (CCG) ang diskarte sa paggamit nito ng mas maliliit, mas mabilis na sasakyang-pandagat sa kamakailang pagtatangka nitong harangin ang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Habang matagumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre ang mga resupply boat ng Pilipinas, hindi naiwasan ng mga sasakyang pandagat ng PCG ang mga mapanganib na aksyon na isinagawa ng CCG, na naghihiwalay sa mga ito sa mas maliliit na bangka na kanilang tinutulungan.

Ayon sa tagapagsalita ng PCH na si Commodore Jay Tarriela, nagdeploy umano ang CCG ng maliliit na sasakyang pandagat ngayon na mas may kakayahang magmaniobra at magsagawa ng pagpigil sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Sinabi ni Tarriela na ang CCG ay nag-deploy ng apat na sasakyang-pandagat na kung saan isa lamang sa mga ito ay nasa pagitan ng 110 hanggang 115 meters ang haba habang ang tatlong iba pa ay mas maliit dito.

Giit ng opisyal ng PCG na ang tanging paraan na magagawa ng Pilipinas sa ngayon ay idokumento ang mga insidente, isumite sa National Task Force West Philippine Sea, at hintayin ang Department of Foreign Affairs na magsagawa ng kinakailangang diplomatikong aksyon.

Sa kasalukuyan, magpapatuloy pa rin ang mga resupply mission sa kabila ng mga ilegal na aksyon ng CCG upang matiyak na mananatili ang presensya ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan na West Ph Sea.