Dumepensa ang China sa paglalagay nila ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, na kaya sila naglagay ng floating barriers ay para hindi makapasok ang mga barko ng Pilipinas.
Noong Setyembre 22 kasi ay walang paalam ang bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na pumasok sa karagatan ng Huangyan Dao o ang Scarborough Shoal.
Ang nasabing lugar kasi ay inaangkin na ng China bilang kanilang teritoryo.
Paliwanag pa ni Wang na ginawa lamang ng Chinese Coast Guard ang nararapat na hakbang.
Magugunitang nitong Lunes base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay ipinatanggal na nito sa Philippine Coast Guard ang mga nakalagay na floating barriers.
Iniulat ding ng mga mangigisda ng Bajo de Masinloc ang nasabing paglalagay ng floating barriers tuwing sila ay mangingisda sa lugar.
Ang Bajo de Masinloc kasi o kilala bilang Panatag (Scarborough)Shoal ay matatagpuana sa 124 nautical miles west ng Zambales at ito ay nasa 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Paliwanag ng Philippine Coast Guard na bukod kasi sa pagharang sa mga mangingisda ang mga floating barriers ay delikado umano ito sa mga naglalayag sa lugar at malinaw na ito ay paglabag sa international law.