-- Advertisements --
Dinagdagan ng China ang kanilang military spending ng hanggang 7 percenet ngayong taon.
Isinagawa ang anunsiyo sa National People’s Congress na nagkukumpirma rin sa ikatlong termino ni Chinese President Xi Jinping.
Mayroong kabuuang $225 bilyon kasi ang military budget ng China na minamaliit ng US na mayroong apat na beses na mas mataas ito.
Isa aniya sa dahilan ng kanilang pagtaas ng military budget ay dahil sa paiigtingin nila ang kanilang presensiya sa Taiwan na itinuturing bahagi pa rin ng kanilang bansa.
Inaasahan rin na uupo ngayong linggo ang bagong Premier ng China sa katauhan ni Li Qiang isang malapit at pinagkakatiwalaan ng Chinese President.










