-- Advertisements --

Binalaan ni Chinese Foreign Minister Wang Yi si US Secretary of State Antony Blinken na dapat tigilan na nila ang makalumang unilateral bullying.

Nagkausap kasi ang dalawa sa telepono kung saan inakusahan ni Wang ang US na pinipigilan nila ang pag-unlad ng China.

Idinagdag pa nito na dapat pakinggan ng US ang lehitimong pag-aalala ng China.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagkausap sina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping na sinusubukan nilang maayos ang anumang gusot ng nasabing dalawang bansa ng dumalo ang mga ito sa G20 summit.