-- Advertisements --
Nakapasok sa Rugby World Cup ang bansang Chile.
Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado.
Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro.
Dahil dito ay kabilang ang Chile sa Pool D ng 2023 World Cup na gaganapin sa France kasama nila sa grupo ang England, Argentina, Japan at Samoa.
May tsansa pa ang US na makapasok sa World Cup basta maggtagumpay sila sa final qualification tournament na gaganpin ngayon taon.