Reading Time: 1 minute
Sophia
Baby Nina Sophia Gabriel Corullo/ Yen Santos IG post

Dengue ang nakikitang sanhi ng kamatayan ng batang aktres na si Baby Nina Sophia Gabriel Corullo sa edad na anim pa lamang.

Ayon sa JAMS Artist Production, ang nagma-manage sa batang actress, labis ang kanilang kalungkutan sa pagpanaw ni Sophia.

Nanawagan sila ng pagdarasal para sa batang aktres.

Nakilala si Sophia sa pagsali sa isang noontime show noong nakaraang taon.

Ang bata ay dating contestant sa “Mini Me” sa “It’s Showtime.”

Huli itong nakita sa “Maalaala Mo Kaya” episode.

“Baby Nina Sophie Gabriel Corullo you will always be remembered as a very talented, jolly, and lovable kid, you will always be in our hearts and we will always be family,” ayon pa sa statement ng JAMS kasabay nang panawagan ng tulong sa publiko. “This donations will proceed to Baby Sophie’s Funeral and to her other siblings that is currenty in hospital that was diagnosed with dengue.”