GENERAL SANTOS CITY – Hugas kamay si Police Capt. Nemesio Calipho hepe ng Bula Police Station sa alegasyon na binugbog ang isang curfew violator na kanilang nahuli.

Itoy matapos mahuli si Richard Malones na residente ng Bula nitong lungsod noong nagdaang gabi habang itoy nakainum. Ayon kay Calipho nakatakbo umano ang tatlong kasama ni Malones na kagagaling sa isang inuman . .

Nang dinakip bigla umano silang pinagsusuntok ni Malones kayat pinosasan.

Subalit iba naman ang bersyon ng kapatid ng biktima na kanyang sinamahan si Richard papunta sa presento subalit bigla umanong pinagsusuntok ni Calipho kahit itoy nakaposas.

Ipinakita din nito ang video habang nagmakaawa na huwag bugbugin ang kapatid.

Nang dumating sa selda sinuntok at tinadyakan pa umano ng opisyal ang biktima.

Una nang sinabi ni City PNP Director Col. Gilbert Tuzon na paimbestigan ang reklamo laban sa kanyang chief of Police.