-- Advertisements --

Namayagpag din sa kanilang unang laro ang Chicago Bulls nang pahiyain ang Miami Heat sa iskor na 116-108.

Umeksena si DeMar DeRozan na wala pa ring kupas mula sa huling season nang magpakita ng 37 big points, 6 rebounds at 9 assists.

Ang panalo ng Bulls ay sa kabilang na wala ang All-Star guard na si Zach LaVine bunsod ng left knee injury.

Sa panig ng Miami, kinapos naman ang ginawa nina Jimmy Butler kahit may 24 points at si Tyler Herro na nagdagdag ng 23 puntos, habang si may 22 puntos si Max Strus at kakarampot naman na 12 puntos mula kay Bam Adebayo.