Nakatakdang magpatupad ang Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na taon ng online system para sa mga mag-aaral na mag-a-apply ng scholarships at financial aid sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga aplikante.

Sa isang statement, sinabi ng CHED na parami na ng parami ang bilang ng mga mag-aaral na nag-a-apply para sa kanilang Student Financial Assistance Programs (StuFAPS) kasunod ng enactment ng Universal Tertiary Education Law.

-- Advertisement --

Ang pagdami ng bilang ng mga aplikante ay nagresulta sa paghaba naman ng pila sa CHED office sa Quezon City.