-- Advertisements --

Nakikipag-usap na ang Commission on Higher Education sa Department of Migrant Workers(DMW) upang isapinal ang mga tulong pinansyal na ibibigay sa mga dependents ng mga nasawing Pinoy sa Israel na nasa kolehiyo na.

Ayon kay CHED Chair Prospero De Vera, pinag-aaralan nila ang pagbibigay ng libreng tuition o kung hindi man ay ang subsidized schooling.

Sa kaslaukuyan aniya, tinutukoy na ng komisyon kung ilan ang dependents ng apat na nasawing pinoy na nasa kolehiyo na.

Kapag natukoy ito, ayon kay De Vera, papangunahan na ng kanilang mga Regional Offices ang pagtulong sa kanila.

Maliban sa apat na namatay, nangako rin si De Vera na magbibigay din ang komsiyon ng akmang tulongsa iba pang mga Pinoy na apektado sa naturang kaguluhan.

Pag-aaralan aniya ng CHED kung ano ang akmang tulong na ibibigay sa kanila, upang tutugma ito sa kanilang pangangailan.

Batay sa report ng Department of Foreign Affairs(DFA), ang apat na pinoy na nasawi sa Israel ay kinabibilangan ng tatlong caregover at isang narse.

Labing-anim na ang nakauwi sa Pilipinas, habang ang iba ay nananatiling missing hanggang sa ngayon.