Ipinauubaya na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapasya kung ibabalik ang full face to face classes.
Ito ang naging pahayag ni Department of Education (DepEd) kasunod na rin ng naging pahayag ng Department of Education (DepEd) na hindi na papahintulutan ang pagsasagawa ng distance at blended learning sa mga paaralan sa elementarya at sekondarya simula sa Nobiyembre sa layong maibalik ang 100% face to face classes sa bansa sa gitn ang pandemiya.
Paliwanag ni De Vera na hindi magiisyu ang komisyon ng blanket policy dahil may ilan aniyang degree progrms na kailangang ng pagsasagawa ng maraming face to face instruction lalo na sa skills-based programs habang ang ibang mga programa naman ay maaaring maituro sa pamamgitan ng flexible learning.
Sa kabila nito, umaasa naman ang CHED official na magakaroon ng significant shift ng in-person classes sa higher education sa papasok na academis school year.
Bagamat naniniwala ito na hindi kayang gawin sa ngayon ang face to face classes para sa lahat ng degree programs.
Sinabi din ni De Vera na ang flexible learning ay maaaring maging bahagi ng new normal para sa higher education institutions sa mga susunod na taon.
Maaalala na nauna ng ipangbawala noong unang bahagi ng taong 2020 ang pagsasagwa ng in-person classes dahil sa pagkakadetect ng kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa ating bansa kung kayat ipiantupad ang remote learning.