-- Advertisements --
image 163

Idinepensa ng Commission on Higher Education ang pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education, o ang Free Higher Education Act, na nagsabing binago nito ang buhay ng mga mahihirap na estudyante.

Sinabi ni CHEd Chairman J. Prospero de Vera III na karamihan sa mga nag-aaral sa state universities at colleges ay hindi mayaman.

Aniya, dahil ang mga pampublikong unibersidad ay may kalidad na edukasyon at ang mga pamantayan ay tumaas, para sa maraming mga pamilya, ang free education lamang ang kanilang pag-asa na mapag-aral ang kanilang anak.

Ayon kay de Vera, nakita ng gobyerno ng Ph ang “first-generation graduates” sa mga mahihirap na estudyante, o ang mga nauna sa kanilang pamilya na nakatapos ng mas mataas na edukasyon.

Sa paraang ito aniya nagbabago ang kanilang buhay dahil sila ay may pinag-aralan.

Inilabas niya ang pahayag kasunod ng panawagan ng mga mambabatas na suriin ang Free Higher Education Act at matapos sabihin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang programa ay “unsustainable.”

Sinabi ni De Vera na responsibilidad ng CHEd na magdala ng edukasyon sa mahihirap na pamilya.

Giit ng opisyal na binibigyan ang mga mag-aaral ng pag-asa para hindi sila lumaban sa gobyerno, at mabawasan ang insurhensya at kakulangan sa pag-aaral.