-- Advertisements --
Binabalangkas na ng Commission on Higher Education (CHED) ang bagong curriculum sa nursing para matugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa.
Base kasi sa record ng CHED na mayroong 51 percent na mga registered nurses ang nangibang bansa na habang ang 20 percent ay hindi nagtatrabaho sa mga pagamutan.
Ayon sa CHED kung hindi lang sinalanta ng pandemya ang bansa ay magiging sapat na ang bilang 175,900 na nurses sa mga public at private hospitals sa bansa.
Nakasaad sa bagogn curriculum ang pagkakaroon ng “exit credentials” na bagong options ng mga nursing students na nakakumpleto na ng isa at dalawang taon kung saan sila ay maaring magtrabaho na bilang nursing o nursing associate.