ILOILO CHECKPOINT
-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirment ng national government.

Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng COVID-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.

PNP Checkpoint tarlac bubble

Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para maiasan ang pagtaas pa ng kaso ng hawaan.

Walang travel restrictions within sa NCR, Cavite, Bulacan,Rizal at Laguna dahil ikinokonsidera ang mga ito na one bubble, NCR Plus.

Pinapayagan lamang bumiyahe sa ibang probinsiya kung ang biyahe ay essential at ang pinakamahalaga ay ang compliance sa LGU arrival requirement.

-- Advertisement --

Sinabi ni Usana may mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries.

Ang pinapayagan sa ngayon na pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o ‘yung mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na rito ang mga delivery goods and services.

Ang mga hindi essential workers ay hindi maaaring makapasok ng Metro Manila.

Ayon kay Usana sa dalawang linggong ipatutupad na PNP ang ganitong set-up ay hindi puwedeng makalabas ang sinuman sa NCR maliban na lamang kung mayroong maipakitang ID na isa itong essential worker.

Apela ng PNP sa publiko, huwag na lang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay sa Semana Santa sa sunod na linggo.

Nilinaw naman ni Usana na nakadepende sa mga local chief executives kung anong mga pamamaraan na kanilang ipatutupad sa mga lumabag o violators.

Paalala ng PNP, may umiiral pa ring curfew hours kaya kung nais bumiyahe mula NCR patungong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan ay dapat gawin ito sa umaga o hapon ng sa gayon hindi masita sa mga checkpoints.