-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakaalis na kaninag umaga at darating sa Lunes sa lungsod ang chartered Philtranco Bus lulan ang 22 locally stranded individual (LSI) mula sa Manila.

Ayon kay Political Affairs lll Mosler Paul Lapore isa sa staff ni Senator Manny Pacquiao na umalis kaninang umaga sa Manila ang nasabing bus sakay ang 22 mga indibidwal na residente ng General Santos, Sarangani at South Cotabato na stranded dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Dagdag ni Lapore na COVID free ang lahat na sakay sa nasabing bus matapos nagpakita ng medical certificate at travel authority.

Bago sumakay sinuri umano ang mga ito sa mga medical personnel.

Maliban sa libre ang pasahe binigyan pa ng food allowance ang lahat na sakay sa nasabing bus.

Sinabi din nito na pagbalik ng Bus sa Maynila ikarga din ang mga LSI sa Gensan para makauwi sa Luzon.

Sa mga gustong makasakay tawagan lamang si Lapore sa contact number na 09664476389 para sa kompirmasyon.

Nalaman na mahigit 1,000 LSI ang nasa listahan ngayon subalit ang iba ay nakauwi na ng Region 12.