-- Advertisements --

Inalok na ng kasal ng actor na si Channing Tatum ang nobyang si Zoe Kravitz.

Napansin kasi ng maraming fans na may suot na engagement ring si Kravitz habang dumalo ang dalawa sa isang halloween party.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2021.

Kapwa hiwalay ang dalawa sa kani-kanilang mga asawa kung saan ang unang asawa nito ay si Karl Glusman.

Hiwalay naman ang actor sa dating asawa na si Jenna Derwan noong Nobyembre 2019.

Hindi naman idinetalye ng dalawa kung kailan ang petsa ng kasal nila.