Hindi mawawalan ng heavy champion title si Tyson Fury dahil sa drug-testing scam.

Sinabi ni WBC president Mauricio Sulaiman, na walang anumang epekto ang nasabing faild drug test ni Fury noong 2015.

Mananatili pa rin ang WBC belt nito na kaniyang nakuha ng talunin si Deontay Wilder sa Las Vegas noong nakaraang buwan.

Dahil sa nasabing problema ay hindi naman natuloy ang laban niya noon kay Vitaliy Klitschko.

Magugunitang nagpositibo sa paggamit ng nandrolone noong 2015 si Fury at ang pinsan nitong si Hughie na nakuha raw sa pagkain ng karne ng wild boar.