-- Advertisements --

Kaagad na magpupulong ang House committee on constitutional amendments pagkatapos na magbukas ang second regular session ng Kongreso para talakayun ang amiyenda sa Saligang Batas na isinusulong ng alkalde sa bansa.

Ayon sa chairman ng komite na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, magpapatawag siya ng virtual meeting sa unang dalawang linggo ng kanilang session para talakayin ang proposals ng 1,489 alkalde at iba pang pending na mga panukala para malaman din ang posisyon ng mga miyembro at lider ng Kamara hinggil sa pagsusulong n Charter change sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Biyernes, Hulyo 17, na dalawang Cha-cha proposals ang isinusulong ng mga miyembro ng League of Municipalities.

Kabilang na rito ang institutionalization ng tinatawag na Mandanas ruling ng Korte Suprema sa internal revenue allotments (IRA) ng mga local government units, gayundin ang pagtanggal ng restrictions sa foreign investment sa pagnenegosyo sa bansa na kasalukuyan ay limitado lamang sa mga Pilipino.


Nabatid na pinapalawak ng Mandanas ruling ang basehan para sa comupation ng IRA para bukod sa koleksyon ng Bureau of Internal revenue ay mapasama rin ang customs duties na nakolekta ng Bureau of Customs, bahagi ng buwis na nakolekta sa BARMM, buwis mula sa national wealth, excise tax sa tobacco products, iba pang buwis sa ilalim ng NIRC at franchise taxes.

Sa oras na maaprubahan kasi ang mga amiyendang ito sa Saligang Batas, sinabi ni Rodriguez na malaki ang itatas ng IRA allotments ng mga LGUs.

Makakatulong aniya ito sa ginagawang hakbang at programang ipinapatupad ng mga lokal na pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic at para na rin mapalakas ang local autonomy sa bansa.

Nakatakdang magbukas ang second regular session ng 18th Congress sa umaga ng Hulyo 27, habang sa hapon naman ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.