-- Advertisements --

Inamin ng Kamara na hindi kasama sa mga prayoridad nila ang pagtalakay sa panukalang batas na aamyenda sa Konstitusyon.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na kanilang uunahin ang mga priority measures na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo.

Bagama’t hindi kasama rito ang pagtalakay ng Charter-change (Cha-cha), iginiit ni Romualdez na hindi ito nangangahulugan na patay na sa Kamara ang naturang panukala.

Kamakailan lang ay inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang House Concurrent Resolution No. 1 na target maamyendahan ang 1987 Constitution.

Nakasaad sa resolusyon na gagawing federal-presidential ang porma ng gobyerno.

Magiging apat na taon ang termino ng mga senador, habang itataas naman sa apat na taon ang sa mga kongresista.