DAVAO CITY – Nag-plead ng not guilty si Paul Auditor ang Chief Executive Officer (CEO) ng Rigen Marketing Investment Scam sa isinagawang pagdinig sa kaso nitong four counts of syndicated estafa sa Tagum City.

Sa ngayon nasa Davao del Norte Provincial Jail nakakulong si Auditor na binansagan ngayon na “scammer” ng daan-daang mga galit na indibidwal na nabiktima nito.

Ito ang naging desisyon ni Tagum City Judge Virginia Ang kasabay ng isinagawang hearing sa kaso ng walong indibidwal na responsable sa pagpapatakbo ng nasabing investment scam.

Kung maalala, idineploy ang nasa 120 miyembro ng PNP ng Davao del Norte Police Provincial Office at Tagum PNP upang masiguro na matiwasay ang nasabing pagdinig lalo pat maraming mga biktima rin ang dumalo kahapon.

At dahil narin sa isyu ng seguridad, isinagawa na lamang ang hearing sa compound ng provincial jail imbes na sa sala ni Judge Ang sa Branch 1 Regional Trial Court (RTC).

Limitado din ang bilang ng mga indibidwal na pinapasok sa nasabing pagdinig.

Kung maalala, nasa sobra dalawang buwang ikinustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Auditor bago paman ito dinala sa Tagum City kahapon.