Nagtipon-tipon ang mga Central Asian leaders sa lungsod ng Xian, China sa pangunguna ni Chinese President Xi Jinping.
Ito ay dinaluhan ng mga leader ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan and Uzbekistan kung saan magsasagawa ang mga ito ng group to group discussion kasama si Chinese president Xi na inaasahan namang magreresulta sa isang regional agreement.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Foreign Ministry ng China na dito ay magbibigay ng isang “important speech”, at ito rin anila ang kauna-unahang pagkakataon na makikipagpulong ang mga pinuno ng Central Asian countries ng personal kay President Xi.
Bukod dito ay inaasahan ding malalagdaan ng mga kinuukulan ang isang “important” political document sa gaganaping two-day conference.
Samantala, sa hiwalay naman na pahayag ay sinabi ni Chinese President Xi na handa siyang makipagtulungan sa bansang Kyrgyzstan na bumuo ng isang mabuti at masaganang komunidad.
Nagpahayag din ang bansang Zhaparov ng kagustuhang palawakin pa ang trade, economic, at investments links ng kanilang bansa sa China.
Habang una nang nakipagpulong si Kazakhstan President Kassym-Jomart Tokayev kay President Xi, kasama ang dalawa pang mga bansa na sang-ayon din sa pagbuo ng mas matibay pang alyansa sa China.