-- Advertisements --
Nakatakdang ayusin ang centerpiece ng St. Peter’s Basilica.
Ayon sa Vatican na ang nasabing pagsasaayos ng higanteng bronze canopy ay napapanahon lamang kasabay ng Holy Year celebration sa 2025.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit 260 taon na ayusin ang nasabing center piece.
Aabot sa halagang $770,000 ang paglinis at pagsasaayos ng Baldachin sa St. Peter.
Halos 30 metro ang taas ng canopy na nagtatakip sa lugar kung saan si St. Peter na siyang unang Santo Papa ay ibinurol.