-- Advertisements --

Nakuha ng Boston Celtics ang unang panalo 114-94 laban sa Miami Heat sa kanilang first round ng Eastern Conference playoffs.

Naitala ni Jayson Tatum ang unang career playoff triple-double na mayroong 23 points, 10 rebounds at 10 assists.

Nagdagdag naman si Derrick White ng 20 points, apat na assists.

Hindi binigo ng Boston ang kanilang fans na nanood sa TD Garden kung saan mayroong 22 mga three-points ang kanilang naitala.

Pumalo pa sa 34 points ang naging kalamangan ng Cetics sa last quarter at napababa ito ng Heat sa 14 points.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Bam Adebayo na siyang humalili kay Heat star Jimmy Butler na nagtamo ng injury sa kanang tuhod.

Magugunitang noong nakaraang taon ay tinalo ng Heat ang Celtics sa conference finals kung saan bumangon sila sa 3-0 at nakuha ang panalo sa Game 7.