-- Advertisements --

Walang plano si Boston Celtics president of basketball Brad Stevens na maging coach ng Los Angeles Lakers.

Sinabi nito na hinding-hindi mangyayari ang nasabing paglipat nito sa Lakers.

Magugunitang sinibak ng Lakers ang kanilang coach na si Frank Vogel matapos na mabigo silang makapasok sa NBA playoffs.

Noong Hunyo ay umalis sa pagiging coach si Stevens para maging opisyal ng koponan.

Ipinalit niya si Ime Udoka matapos ang ilang buwan.