-- Advertisements --
Pinatawan ng one-game suspension si Boston Celtics player Grant Williams.
Ito ay matapos na banggain ang referee sa laro ng koponan kontra Chicago Bulls.
Naganap ang insidente noong Oktubre 24 kung saan sa last quarter ay tinawagan si Williams ng blocking foul laban kay Zach LaVine.
Dahil sa hindi nagustuhan ay nilapitan nito ang referee na si Cheryl Flores kung saan bahagyang nabangga niya.
Matapos ang insidente ay pinalabas si Williams sa playing court matapos na hindi tanggapin ang paliwanag nito.
Si Williams ay mayroong average na 9.5 points at 4.3 rebounds kada laro.