marcus smart NBA

Inanunsiyo ni Boston Celtics guard Marcus Smart na nagbigay na sa kanya ng clearance ang mga doktor na siya ay magaling na sa coronavirus.

Idinaaan ni Smart ang pahayag sa Twitter matapos na abisuhan siya ng Massachusetts Department of Public Health.

Sinasabing si Smart ang ikaapat na NBA player na nakarekober sa COVID-19.

Una nang gumaling sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz at si Christian Wood ng Detroit Pistons.

Si Smart ang tanging player mula sa Boston ang nahawa sa deadly virus.

Una niyang inamin ito upang magsilbing aral sa publiko.

“Corona Free as of two days ago. Cleared by Mass Dept of Health. Thanks for everyone’s thoughts and prayers and I’m doing the same for everyone that’s been effected by this. Stay safe and stay together- apart! Much love!”