-- Advertisements --
Sasamantalahin na ng Boston Celtics ang home court advantage sa Game 6 ng Eastern Conference Finals sa pagitan nila ng Miami.
Isang panalo na lamang kasi ang kailangan ng Celtics para makapasok sa finals matapos na makuha ang kalamangan sa serye 3-2.
Sinabi ni Celtics coach Ime Udoka na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para pigilan na umabot pa sa Game 7 ang serye kung saan doon gaganapin sa court ng Heat.
Magugunitang tinalo ng Boston ang Heat 93-80 matapos makuha ang 24-2 run pagpasok ng second half.
Ang sinumang makapasok sa finals ay makakaharap ang Golden State Warriors ng talunin ang Dallas Mavericks sa Western Conference finals.










