-- Advertisements --
Matapos ang dalawang taon na pakikipaglaban sa breast cancer, pumanaw na ang Hollywood actress na si Kelly Preston sa edad na 57.
“On the morning of July 12, 2020, Kelly Preston, adored wife and mother, passed away following a two-year battle with breast cancer,” saad ng official representative ng Travolta family sa People Magazine.
Naulila ni Kelly ang kanyang 66-year-old celebrity husband na si John Travolta at ang kanilang mga anak na sina Ella, 20, at Benjamin, 9.
Nabatid na ang panganay na anak nina Kelly at John na si Jett ay namatay noong 2009 sa edad lamang na 16.
Kabilang sa mga pelikula ni Preston ay ang “Twins,” “Mischief,” ‘The Cat in the Hat,” “Jerry Maguire” at marami pa.