Naglabas na ng kanyang saloobin ang make-up mogul, Jeffree Star sa nagaganap na drama sa pagitan nina celebrity socialite Khloe Kardashian at modelong si Jordyn Woods.

Ayon kay Star, dapat ay tandaan ni Khloe na may kasalanan din sa kanilang hiwalayan ang kanyang NBA star at ex-husband na si Tristan Thompson.

Ibinulgar naman ni Star na matagal nang naglalandian umano sina Woods at Thompson.

Samantala, panawagan naman niya kina Woods at Kardashian na mas mabuting manahimik na lamang ang dalawa dahil hindi raw interesado ang lahat ng tao sa isyu nila.