Buhos ngayon ang pakikidalamhati sa pagpanaw ng celebrity chef na si Gary Rhodes sa edad na 59-anyos.
Una rito, sa pahayag ng kanyang pamilya, sumakabilang buhay si Rhodes sa tabi ng kanyang asawang si Jennie.
“The Rhodes family are deeply saddened to announce the passing of beloved husband, father and brother, Gary Rhodes OBE,” saad sa pahayag.
“The family would like to thank everyone for their support and ask for privacy during this time.”
Nanguna sa mga nagbigay ng pagpupugay para kay Rhodes ang kapwa nito celebrity chef na si Gordon Ramsay.
“We lost a fantastic chef today in Gary Rhodes. He was a chef who put British Cuisine on the map. Sending all the love and prayers to your wife and kids. You’ll be missed,” pahayag ni Ramsay sa Twitter.
Ayon naman sa British chef na si Jamie Oliver: “Gary was a fantastic chef and incredible ambassador for British cooking, he was a massive inspiration to me as a young chef. He re-imagined modern British cuisine with elegance and fun. rest in peace Chef.”
Ipinanganak sa London noong 1960, lumaki si Rhodes sa Kent at nagsanay sa Thanet Technical College.
Nakilala naman si Rhodes sa kanyang paglabas sa MasterChef, Hell’s Kitchen, at sa kanyang sariling series na Rhodes Around Britain. (BBC)