Nangunguna ngayon ang isang Cebuana sa inilabas na resulta ng Licensure Examination for Teachers Elementary level na ginanap noong Marso ng kasalukuyang taon.
Nakakuha ng average na 92.40 % si Maricris Colipano na nagtapos sa Cebu Technological University Carmen campus.
Maliban Kay Colipano, pasok din ang apat na iba pang CTU graduates sa iba’t ibang campus sa Cebu.
Kasama na dito sina Nikie Loren Villa na nasa pangatlong pwesto at nakakuha ng averages na 91.40%; pang-anim na pwesto naman si Glenmer Redido na may 90.20%; Khuenalyn Ricardo sa ikapitong pwesto na may 89.80%; at Kim Pianiar sa ikasampung pwesto na may rating na 88.80%.
Samantala, pasok naman sa Top 10 sina Lucille Dejos ng Talisay City college sa pangatlong pwesto, Jomar Manada ng University of Cebu sa panlimang pwesto at Dominique Marie Policios ng University of San Carlos sa ikasiyam na pwesto.
Ayon pa sa Philippine Regulations Commission (PRC), may kabuuang 10,039 o katumbas ng 48.81% ng 20,567 sa elementary level ang nakapasa sa licensure examination.
Sa mga nakapasa, 246 nito ang first timers at 9,793 ang repeaters.