Magbabawas ng hanggang 800 empleyado pagdating ng Agosto ang airline company na Cebu Pacific.

Sinabi ni Cebu Pacific director for communications Charo Logarta Lagamon, ang nasabing bilang ay bukod pa sa 200 manggagawa nila na nagpasa na ng kanilang retirement ngayong buwan.

Ito na rin aniya ang second wave ng pagbabawas ng trabahador ng kumpanya kung saan umabot na sa 4,000 na kanilang empleyado ang tinanggal mula pa noong Hunyo.

Sinabi pa nito na naging mahirap pero mahalagang desisyon ng kumpanya para mapanatili ang commitment ng kumpanya na maging affordable a accesible air transport sa publiko.

Magugunitang maraming mga airline companies ang umaaray matapos na magpatupad ng travel restrictions ang maraming bansa dahil sa coronavirus pandemic.